Akala ko matino,
e puno ka rin pala ng kalandian :) Tsk :D
Just a line sa kanta ni Jason Mraz na I won’t give up.
Masarap sa pakiramdam na may tao na hindi ka iiwan diba?
Yung tipong ka ” YOU & ME ” against the world, e andyan pa rin siya para sayo?
Kadalasan kasi ngayon puro salita na lang at walang-wala naman sa gawa.
Napunta na kasi tayo sa henerasyon kung saan, hanggang LANDIAN na lang yung nangyayari.
Don’t find someone that you only need, but find someone who needs you back :)
Na-feel niyo na rin ba yung kampante kayo na kahit matulugan niyo yung katext mo, siya ang unang-una na magsasabi sayo ng ” Goodmorning!… (and so on) “
Diba ang sarap sa feeling na sa pagkagising mo pa lang e, may nakaalala sayo.
Sasabihin na mag-ingat ka sa buong araw, kumain ka ng breakfast, at kung maka-sobra ka naman sa tulog ay hihintayin ka nitong magising?
Syempre, special talaga ang mga GOODMORNING messages kung galing ‘to sa taong inaasahan mo na magtext sayo :)
Pero, kahit mga GM ng mga kaibigan o kaya barkada, na nagpapaalala na kahit anong mangyari ay tatahakin niyo ang landas sabay-sabay.
Goodmorning Tumblr! Goodmorning Pilipinas! Goodmorning sa mundo! :)
Huwag niyo kalimutan na ngumiti :D
Akala niyo kung ano? Haha!
TTF just stands for Tumblr Twitter Facebook *facepalm
Sila yung mga site ngayon na bumubuhay sa social life ko.
E sino ba mabubuhay kung ang meron lang ay ang ” Google, Yahoo, Excite “
Hintayan ng mga sulat teh? Haha!
some fights and fuss will be alright, some tears should really be shed at times, I would likely be with someone who doesn’t only imposed that they need me but someone who will PROVE that I need them more :)
Eto yung sumasagabal sa utak ko ngayon. Etong tanong na
“ MAARI BA MAIWASAN ANG MA-INLOVE SA ISANG KAIBIGAN? “
Siguro, eto muna yung mga konting points kung bakit napupunta tayo sa point na mahulog sa isang tao, lalo na kung kaibigan natin ‘to:
~ Hindi naman natin magiging kaibigan ang isang tao kung hindi natin siya nakakasundo sa mga bagay-bagay na tinatawag natin ” similarities” or yung tipong “ parehas ang trip “
~ Madalas na pagsasama, pagtetext, paguusap. Yung mga tipong, parang walang bukas kung magkausap kayo? Siguro hindi naman sa exaggerated point na hindi kayo nagpapahinga at umuuwi sa kanya-kanyang bahay.
~ Yung mga bagay na nagagawa ng kaibigan na hindi natin maiwasan na ma-admire.
~ Lahat naman tayo may hinahanap na mga qualities sa gusto natin na ka-relasyon diba? Patay, tayo dyan kung nakikita mo ito sa kaibigan mo.
^
alam kong hindi pa sapat ang mga naibigay kong impormasyon dahil wala talaga akong maisip pa na iba >:)
Pero bumalik tayo sa tanong na: Pwede ba? Please lang? Wag na lang siya, kaibigan ko eh.
Marami tayong takot na i-risk ang pagkakaibigan kapalit ng walang kasiguraduhan na relasyon.
Dapat ay maitimbang muna natin, kung saan ba talaga kayo magtatagal, sa pagiging Magkaibigan? o Magkasintahan?
Don’t just risk EVERYTHING for SOMETHING, lalo na kung walang ASSURANCE sa mangyayari :)
Saan ba ito nagsisimula? At saan ba ito nagtatapos?
Sa simula…
Siguro, kung sinunod natin ang ating mga magulang sa sinasabing ” Don’t talk to strangers” e malamang wala tayong kaibigan ngayon, dahil lahat tayo nagsimula na hindi kilala ang isa o dalawa o maramihang tao.
At sa pagtatapos?
May mga magkakaibigan na nagkakaroon ng inggit sa bawat isa, yung tipong may HIDDEN GRUDGE, yung iba naman ay nagtatalo sa isang babae/lalaki, at minsan naman hindi rin natin maiiwasan kapag dumating ito sa point na mahuhulog ang isa sa kanilang kaibigan, magsisimula ang ilangan hanggang sa aminan, at yun kung hindi maganda ang kinalabasan, todas ang pinagsamahan
Yan ang nangyayari sa iba eh, makarinig lang ng negative from friends or peers na negative towards sa taong gusto mo e eto naman si IKAW na nagpaapekto.
Just a tip guys.
If you really like someone, know them by yourself, don’t depend on other’s opinion. Siguro you can use comments just to make sure na okay na talaga yung tao but NEVER let it be the reason to stay away from that someone :)
Alam mo ba na gusto kita?
Alam mo ba na ikaw ang tinitbok nitong puso?
Alam mo ba na ikaw ang sinisigaw ng isip ko?
Alam mo ba na ikaw ang iniisip ko ngayon?
Alam mo ba na minsan ang sarap magtampo sayo?
Alam mo ba na hindi ko magawa magselos kasi hindi dapat?
Alam mo ba na kahit anong gawin kong tampo, hindi ako nagtatampo sayo ng totoo?
Alam mo ba na nanlalamig ang kamay ko kapag andyan ka?
Alam mo ba na kapag kausap kita nawawala aking problema?
Alam mo ba na ang sinusulat ko lang lahat ‘to kasi duwag akong sabihin sayo?
Alam mo ba na nahihiya ako kapag andyan ka na?
Alam mo ba na nilalakasan ko lang ang loob ko para makausap ka?
Alam mo ba na hindi ko na alam ang mga pinagsasabi ko ngayon?
Alam mo ba na nasasaktan ako ng walang dahilan?
Alam mo ba na Mahal Kita?
Ay oo pala, hindi mo alam, at hindi ko alam kung ipapaalam ko pa.
loading tweets…